Miyerkules, Pebrero 26, 2014

A Heart Break, It Is

February 27, 2014 ko lang nalaman. Kung hindi pa 'ko t-in-ext ng bestfriend/ coffee buddy ko.

Nagpakasal na rin pala si Kirk Long! Uwaa! Antakit-takit. Antakit-takit. Katulad din siya ni Chris. Dinurog lang nila ang puso ko. Huhu.

Paano na naman ako magmu-move on nito? Ang kaso lang, may karamay na 'ko. Dalawa na kami ni Mary Cris ang magluluksa sa namatay naming puso. Hay...

Ang hirap magmahal ng basketball player.

Hurting,

Red


Red Weasley

Martes, Pebrero 25, 2014

Manuscript...Buhay ka pa ba?

Last month nag-post ako na hinihintay ko na 'yong feedback ng MS ko na Someday We'll Know. Oo. Tama. Hanggang ngayon wala pa rin siyang result. Ano'ng Month na, o? February na mamaya March na pero wala pa rin.

Tapos may isa na naman akong MS na hinihintay na Swept Away By Love. Dapat nakuha ko na ang feedback no'n ngayong buwan na 'to pero wala pa rin. Nakakaloka talaga maghintay. Kaya siya siguro naging virtue. Wahihi.

In fairness nadagdagan na naman ang reads at magagandang feedback sa His Pastime Girl sa Booklat! Kailan naman kaya siya mapapansin ng mga namamahala ng LIB?


Red Weasley

Huwebes, Pebrero 20, 2014

My Favorite Authors

Trip ko lang. Para naman magkaroon ng laman ang blog na 'to kahit papaano. Hehe.

This post is about some of my favorite authors. Pauna pa lang ito which means may possiblity na madagdagan pa sila.

*Nicholas Sparks --> His novels always make a 'kurot' at my 'puso'. Naman. Haha.

*J. K. Rowling --> Astig siya. 'Yong best-seller books-turned movie na Harry Potter ay akalain mong nag-pop out lang sa utak niya?

*E. L. James --> What to say? Siya talaga ang pinakaunang erotica author na nabasa ko.

*Nancy Madore --> She had a very wild imagination!

*Sylvia Day --> She had the style I wanted as an aspiring writer.

*Sherrilyn Kenyon --> She makes lovable heroes. Ah, Julian.

*Jessica Clare --> I just simply love her Billionaire Boys Club. As in! Haha. I also wish I could write like her.

*Martha Cecilia --> She's, um, one of a kind. She's one of those few local authors I look up to.

*Sonia Francesca and Sofia --> They are really brilliant. Stallion series is phenomenal. I also wish I could write like them.

*Bob Ong --> Hindi ko na saktong maalala kung paano ako nauwi sa pagbabasa ng mga libro niya. Ang alam ko lang, hindi lang siya basta nagpapatawa, may laman talaga lahat ng sinasabi niya. Hindi lang ito basta 'yong tipo ng nakaka-relate ka sa mga libro niya kundi 'yong tipo na binabasa mo ang kwento ng buhay mo sa libro niya.

Ah, naalala ko na. Dahil sa 'Alamat Ng Gubat' pala na nakita ko sa ebook folder ng kapatid ko. Haha.


Red Weasley

Of Story Ideas and Working Them Out

Nakaka-frustrate pala 'yong feeling na sa sobrang dami ng idea na pumapasok sa isip mo eh hindi mo naman alam kung paano sila ilalapat.

Hay....

Dati naman hindi ako ganito ka frustrated, ah? Noong hindi ko pa kilala si Wattpad at hindi ko pa nakikilala ang bestfriend kong si Galaxy Ace, kontento na 'ko sa pagsusulat sa notebook ko at walang pressure kapag nagsusulat ako. Wala naman kasing demanding na readers, reader lang. Hehehe.

Feeling ko rin nakikipag-compete ako that makes it even harder for me. Bakit naman ba kasi? Kanino ba 'ko nakikipag-compete eh dapat sa sarili ko lang naman?

So, contemplate muna ako.

Para ba ako kanino nagsusulat? Hindi ba una sa lahat eh para sa sarili ko? Next ang mga readers? Ano ba dapat ang isulat ko? Hindi ba 'yong nilalaman ng puso ko at hindi ng gusto lang ng mga readers ko? Kung mamadiliin ko ba ang mga bagay na hindi naman dapat, may mapapala ba 'ko?

Maiintindihan naman siguro ako ng mga readers ko. Kung totoo ngang loyal sila sa'yo, matatanggap nila kahit pa mga shortcomings mo. Hmm. May point ba 'ko d'on?

So, contemplate again.

Ang isang magaling na writer hindi minamadali ang kanyang libro. Nagsusulat siya dahil 'yon ang nakakapagpasaya sa kanya at sa mga readers niya. Hindi siya iyong tipong nagmamadali para lang masabing may natapos siya dahil aanhin naman niya iyon kung hindi magustuhan ng mga readers at maging siya sa ginawa niya?

So, pressuring myself doesn't make any sense dahil hindi naman iyon makakapagpabuti sa isinusulat at isusulat ko pang mga kwento. Hindi naman iyon sa dami ng mga naisulat ko ng kwento kundi sa quality nito at ang impact nito sa mga readers ko. Doon ka kasi nagiging remarkable, eh. ^_^v

So, contemplate again.

Love,

Red


Red Weasley

Lunes, Pebrero 17, 2014

Beauty and the Beast

Nabanggit ko na sa isa kong post na favorite ko ang Billionaire Boys Club ni Jessica Clare na hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin ang Book 4, 5 and 6 which is Griffin, Cade and Jonathan's stories.

So far, out of the three books, ang Beauty and the Billionaire (BBC#2) ang pinakafavorite ko. Na story nina Gretchen at Hunter. Para siyang modern day Beauty and the Beast kaya naman.sobrang nainspire ako. So I have an idea came into mind na gumawa rin ng sarili kong Beauty and the Beast.

Naisulat ko na 'yong outline niya pero hindi ko alam kung paano sisimulan ang unang chapter ng kwento. May kahirapan para sa akin ito kasi kailangan kong iwasan na magkaroon ng kahit maliit na similarity sa BATB.

Sana nga ma-push ko siya. Kasi kung hindi, wala akong choice but to give up the story. I'm naming the heroine after one of my bestfriends pa naman.

Pray for me!


Red Weasley

Linggo, Pebrero 16, 2014

Wala Lang Kasi Akong Ibang Masabi...

Hanggang ngayon wala pang feedback ang manuscripts ko na 'Someday We'll Know' at 'Swept Away By Love' mula sa PHR. And I'm sure kung naghihintay man ako ay upang malaman na returned lang ang mga 'yon.

Kahit marami ang reads at magaganda ang feedback ng His Pastime Girl sa Booklat, nakakaramdam pa rin ako ng pagdududa na mapapansin ang kwento nina Jeric at Sandy at magkaroon ng pagkakataon na ma-publish. Ewan ko ba, inatake na naman ako ng pagiging insecure at kawalan ng tiwala.

Marami naman kasi ang magagaling. Kasi naman. I have found out na may mga writers sa Wattpad na nakapirma na ng contract sa LIB para maging exclusive writers. Naiinggit ako. Hanggang pangarap na lang yata ako na makakapag-sign ako ng mga published books ko someday. Ang inggitera ko nga. Bigti na kaya ako? Wahihi.

Whew! Ano, sasabihin ko ba sa sarili kong tiwala lang? Pero ang abnormal ko. Minsan, nakakaramdam ako ng urge na magsulat. Minsan naman, nawawalan ako ng gana talaga. Ano bang problema ko? Ang gusto ko lang naman madagdagan ang mga natapos ko nang kwento na maipu-post sa Booklat.

Ah, right. Kulang ako sa patience. Wala akong tiyaga. Gusto kong minamadali ang lahat. Kahit alam kong imposible naman ang gusto kong mangyari. Hay. Patience, sa'n ka ba kasi pwedeng bilhin? Pwede ka bang utangin o kahit hulugan man lang?

Kung hindi ko lang kailangan ng pera hindi naman ako magkakaganito, eh. Psh. Yeah. It's all about the money.


Red Weasley

Lunes, Pebrero 10, 2014

Another Novel Plan

Brothers-in- Success 1: TJ Aguirre --> Na-inspire ako sa Billionaire Boys Club ni Jessica Clare kaya naisipan kong gumawa ng sarili kong secret society ng wealthy young men. I hope hindi sila maging very similar dahil maakusahan pa 'kong nangopya mahirap na.

TJ is Thomas and Jen's first born son. Ang original title talaga nito ay 'Sherin's Own Fairytale' dahil kay Heroine. Natapos ko na ang first ten chapters nito at hindi ko na alam kung paano siya tatapusin. XD

Pinag-iisipan ko pa kung ipapasa ko siya sa PHR for evaluation or sa Booklat na lang. Siguro aayusin ko muna siya and then ipapasa ko na lang sa Booklat tutal naman tumatanggap sila ng on-going. Mas gusto ko yatang readers ko na lang ang humusga sa kwento para mas malaki ang pag-asa. XD

Ipagdasal niyo naman ako para rito.

When Jessie Meets Andre -->
This is a Teen Fiction category. Para maiba naman. Puro na lang Non-Teen ang mga isinusulat ko. Plano ko sana siyang gawing trilogy. Magsisimula sina Jessie at Andre bilang magkaaway hanggang sa maging friends at magkadevelop-an tapos papasok ang conflict. Cliché lang ang peg. Wahihi.

Echoing Love series...
--> This series would be about the members of the band named 'Echoing'. They are a five-man team. Four guys and one girl. Kung bakit 'Echoing' ang pangalan...saka ko na lang sasabihin. XD

Isla Mariana series...
--> Na-inspired ako noon sa Stallion Riding Club kaya gusto kong gumawa ng sarili kong paradise kung saan mai-in love sina Hero at Heroine. Minus stallions nga lang para magkaiba talaga sila. XD

Gumawa pa nga ako ng parang mapa. At ako lang ang nakakaintindi nu'n dahil ako naman ang responsable doon. Sana ma-push!

Actually, nasimulan ko na ang magiging first book ng series.

Untitled--> May isang plot na naglalaro sa isip ko kaya lang medyo malabo pa siya kaya naman...ewan. Hindi ko pa makuhang simulan. XD

Red


Red Weasley

Red's Story Plans (Stories- In- Line 2)

The Perfect Subject -> I have to finish this one this week. Hopefully ma-push ko siya. Huhu

The Replacement Fiancée -> Hindi pa 'ko sigurado kung ito na nga ba ang sunod kung tatapusin pagkatapos ng TPS pero kasi pangalawa ito sa may pinakamaraming reads kaya nga ito na lang siguro. XD Hopefully matapos ko rin siya before the month ends.

Her Boy Grasa, His Girl Sosyalera  -> Malamang na ito na nga ang isunod ko. Hehe. Marami na ring humihirit ng bangayan nina Boyet at Ehra pero baka next month pa 'to. Excited na nga rin ako.

Red:
Hmm. Baka nga isubmit ko rin sa Booklat 'tong mga 'to at magbaka-sakali. Alam niyo na. Tulungan niyo 'kong ipush sila, ha? Hihi.


Red Weasley

Red's Stories- In- Line...

So ayon. Lately, may nakukuha akong mga comments mula sa mga readers ko na mag-update na raw ako sa mga nakatengga kong stories sa Wattpad na specifically ay bahagi ng aking untitled trilogy. Hehe. At humihingi po ako ng tawad sa kanila dahil sa nangyari. Kasi naman, eh. Ang daming school works, term paper sa Filipino, proposal para sa Thesis 0, exams, problema sa wifi sa school na hindi pa maayos-ayos, etc. etc!

Para sa kaalaman po ng lahat, Samsung Galaxy Ace at free wifi sa school ang siyang gamit ko para makapag-wattpad ako. Wala po akong pambili ng laptop at broadband kasi hindi namin kaya. At 'yong cellphone ko, napanalunan lang 'yon ng Papa ko sa trabaho niya. Ang blessed ko, 'di ba? Hihi.

Nalulungkot din naman ako kapag hindi ako nakakapag-update, kung alam niyo lang po. But hey, ginagawa ko naman ang best ko para masaya lahat tayo. Hihi.

Binigyan ko na rin ng schedule ang sarili ko para na rin sa peace of mind ko. Dapat matapos ko na ang The Perfect Subject ngayong linggong 'to. Nakaka-thirty chapters na rin naman sina LA at Hannah kaya sana sa loob lang ng 5 more chapters ay mabigyan ko na sila ng happy ending na dalawa. Sana hindi ako mawalan ng maraming ideas. Ia-undergo ko pa kasi siya sa editting kasi may plano akong ipasa siya saBooklat . Itsi-check ko rin ang mga facts ko baka kasi maging komplikado pa ang kinalabasan ng kwento nang hindi man lang ako aware.

Love,

Red


Red Weasley

Linggo, Pebrero 9, 2014

That Feeling...

Ang sarap pala ng feeling bilang aspiring writer na may mga readers na hindi mo naman personal na kilala pero nag-i-effort magmessage sa iyo para sabihing avid fan mo sila, isa ka na sa mga favorite writers nila, nag-i-enjoy silang basahin ang mga kwento mo tapos magbabasa pa sila ng mga kwento mo. Yong iba sinasabi pang genius writer ka na masyadong mabigat na yatang title para sa isang writer na wala pang napa-publish na anumang libro, na ilang beses nang nakakatanggap ng rejections. Alam niyo 'yon?

Sobra palang nakakataba ng puso to the point na paulit-ulit ko siyang binabasa tapos hindi ko mapigilan ang mapangiti. Hindi ko alam kung ano ang meron sa mga isinusulat ko pero natutuwa talaga ako kapag naa-appreciate 'yon ng mga readers ko. Nagpapasalamat pa 'yong iba dahil sa pagshare ko raw ng talent ko eh ang dapat nga ako ang magpasalamat kasi sila ang nagbigay ng pansin sa mga gawa ko.

Kung alam lang nila na sila ang dahilan kung bakit pinipiga ko ang utak ko para lang mabigyan sila ng magandang update kahit hindi ko maisingit sa schedule ko minsan. Kasi naman. Kung ako lang talaga ang mabibigyan ng pagkakataon, magsusulat na lang ako buong araw. Kaso marami pa akong priorities, eh. Nandiyan pa pag-aaral ko. Sayang naman ang sakripisyo ng Mama ko kung hindi ako makakapagtapos.

Ang hiling ko lang sana matupad man lang ang pangarap ko na ma-publish ang mga kwento ko. At sana hindi ako iwan ng mga readers ko. Sana dumami pa sila. Sana hindi sila magsawa sa pagbibigay ng suporta. Inspirasyon ko talaga ang mga readers ko, eh. Naging importante na rin sila kahit sa ikli pa lang ng pagsusulat ko.

Nagmamahal,
Red


Red Weasley

His Pastime Girl on Booklat

Nabanggit ko na sa isa kong post na pangarap kong ma-publish ang His Pastime Girl at My Kuya's Assistant. Nabanggit ko rin na ang MKA ay ipinasa ko sa Starmometer. Itong His Pastime Girl naman ay naka-post sa Booklat for two months na yata.

Ang Booklat ay isang website na pagmamay-ari ng Life Is Beautiful na sister company ng Precious Hearts Romances. Pwede kang magsubmit ng manuscript mo at kapag maraming nagkagusto ay may possibility na ma-publish iyon.

Oo. Ipinasa ko nga ang His Pastime Girl kasi tumatanggap naman sila ng first person POV. Madalas ko siyang tingnan at marami na rin naman ang reads at magaganda ang mga comments. May mga nagsasabi na sana ma-publish siya kaya naman natuwa ako.

Kaya lang hindi naman sikat sa Wattpad ang His Pastime Girl hindi katulad ng iba na milyon-milyon na ang reads since bago lang nga 'tong kwento na 'to.

Pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa, eh. Kung mabilis-bilis lang sana ang update niya baka tapos na rin siya. I have faith in Jeric and Sandy kaya sana naman magbunga ang pag-aasam ko. Naks naman. Kaya nga todo ang pangangampanya ko, eh. Hehe. Readers,  makisama naman kayo. Tulungan niyo po ako. Hehehe.


Red Weasley