Lunes, Pebrero 10, 2014

Red's Stories- In- Line...

So ayon. Lately, may nakukuha akong mga comments mula sa mga readers ko na mag-update na raw ako sa mga nakatengga kong stories sa Wattpad na specifically ay bahagi ng aking untitled trilogy. Hehe. At humihingi po ako ng tawad sa kanila dahil sa nangyari. Kasi naman, eh. Ang daming school works, term paper sa Filipino, proposal para sa Thesis 0, exams, problema sa wifi sa school na hindi pa maayos-ayos, etc. etc!

Para sa kaalaman po ng lahat, Samsung Galaxy Ace at free wifi sa school ang siyang gamit ko para makapag-wattpad ako. Wala po akong pambili ng laptop at broadband kasi hindi namin kaya. At 'yong cellphone ko, napanalunan lang 'yon ng Papa ko sa trabaho niya. Ang blessed ko, 'di ba? Hihi.

Nalulungkot din naman ako kapag hindi ako nakakapag-update, kung alam niyo lang po. But hey, ginagawa ko naman ang best ko para masaya lahat tayo. Hihi.

Binigyan ko na rin ng schedule ang sarili ko para na rin sa peace of mind ko. Dapat matapos ko na ang The Perfect Subject ngayong linggong 'to. Nakaka-thirty chapters na rin naman sina LA at Hannah kaya sana sa loob lang ng 5 more chapters ay mabigyan ko na sila ng happy ending na dalawa. Sana hindi ako mawalan ng maraming ideas. Ia-undergo ko pa kasi siya sa editting kasi may plano akong ipasa siya saBooklat . Itsi-check ko rin ang mga facts ko baka kasi maging komplikado pa ang kinalabasan ng kwento nang hindi man lang ako aware.

Love,

Red


Red Weasley

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento