Linggo, Enero 26, 2014

Dear Diary: January 24, 2014

Kanina, pagkatapos ng klase namin nagpasama ako kay Bubbles na ihatid ang mga requirememts ng Papa ko sa placement centre. (Yong school ko ay katapat lang ng RNG station ng ABS-CBN). Nilakad lang namin ang papuntang building tutal malapit lang naman at sa katapat nu'n eh Robinson's Mall na. Napakaganda talaga ng location ng school namin. Wahihi. Sarcastic ako do'n.

Since maaga talaga ang dismissal namin every MWF ay tinamad si Bubbles na umuwi agad kaya naman naisipan naming dumaan ng Mall at tumambay. Bumili kami ng mga chichirya sa department store at umakyat sa second floor tapos naupo kami sa bench na nasa labas ng Booksale.

Habang kumakain kami parang may sinabi sa 'kin si Bubbles na: "Tiis na muna tayo sa ganito kasi wala pa tayong pera."

Sabi ko naman: "Kapag yumaman na 'ko, kakainan ko lahat ng fastfood dito."

Tapos naintriga ako sa sunod niyang sinabi: "Sapat kaya ang kinikita nila (ng Booksale at ng mga katabing store) sa bawat araw? Kasi tingnan mo, ha, magbabayad sila sa pwesto, sa mga tao, sa kuryente. Hindi ba sila nalulugi?"

Sabi ko naman: "Alam mo naisip ko na rin 'yan! Pero tingin ko passion ang dahilan kung bakit nami-maintain nila ang mga 'yan."

Sumang-ayon na lang siya sa 'kin. XD

Pinapanood ko 'yong mga tao sa Booksale na dumadampot lang ng mga librong gusto nilang bilhin at agad na nagbabayad sa counter. Naiinggit ako. Ibig sabihin marami silang extra na pera samantalang ako, kailangan kong bantayan ang paggastos ko kasi mabawasan lang ako ng kaunting barya eh baka hindi na 'ko makauwi sa amin.

Nang maubos na namin 'yong mga kinain namin niyaya ko si Bubbles na pumasok ng Booksale. Tumingin siya sa mga manga habang ako naman eh lumapit sa mga pocketbooks. Kumuha ako at nang-scan. Napabuntong-hininga ako sa loob ko.

Kailan ko kaya makikita ang pangalan ko, kung hindi man pen name, sa mga librong nandito?

Well, sabihin na nating medyo desperado rin akong magkaroon ng kahit approved manuscript pa lang? Tutal naman matagal talaga ang release ng mga libro kaya sana may i-look forward man lang ako bago ako tumuntong ng twenty. Malapit na nga pala akong magtwenty. Nakakaloka. Goodbye, teenage life na talaga 'to. Aaminin ko naiinggit talaga ako sa mga writers na marami nang nai-publish na libro na mga kaedad ko lang at mas bata pa sa 'kin. Hay. Iyang inggit na 'yan talaga, o. Tsk. Okay lang, at least namu-motivate ako, 'di ba? In a positive way dapat!

Dreaming,
Red


Red Weasley

Miyerkules, Enero 22, 2014

Random Stuff About Me

Ah, ewan. Naalala ko kasi no'ng 21st birthday ni 'Bubbles' last 2011, ginawan ko siya ng parang letter na may '21 things I know about him'. So, wala. Trip ko lang ishare ang sarili ko. Hehe

1. May grupo ako na 'Powerpuffs'. Walang 'girls' kasi si Bubbles ay boy. At ako si Buttercup. At hindi ko alam kung bakit kami naging 'Powerpuffs'. XD

2. Ako ay ipinanganak ng Year of the Dog at ako ay isang Taurus.

3. I am taking up Bachelor of Science in Computer Science. Kasi nakapaikit akong nag-enroll nu'n.

4. I love cracking jokes. (Uy, tatawa na 'yan.)

5. I am a Potterhead. By the way, magsyota kami ni Fred Weasley. Wahihi.

6. Mahilig akong magsulat ng mga kwento sa notebook noong hindi ko pa kilala si Wattpad.

7. I actually hated basketball when I was young. But when I was fourteen, nahulog ang loob ko sa UAAP at sa Ateneo Blue Eagles.

8. Memorized ko ang team members and jersey numbers ng Blue Eagles ng season '71. Sample? Bukas? Sure!

9. Christopher John Tiu is my longest crush in history. I had a crush on him when I was fourteen until I'm nineteen.

10. Umiyak ako nang malaman kong ikinasal na siya. Grabe, ang dami kong pangarap nun para sa aming dalawa pero hindi man lang niya 'ko nahintay. Sabagay, nine years ang age gap namin kaya...basta masakit!

11. Naagaw na ni Kirk Long ang record ni Chris Tiu. Wahihi.

12. Blue Eagles fan na kami ni Mary Cris for 6 seasons already.

13. Mahilig kaming uminom ng instant coffee ni Mary Cris at palaging ako ang taya. Ngayon siya naman.

14. I own a black guitar. Binili ko siya noong October 8, 2011 at pinangalanan ko siyang 'MK'.

15. Pangarap kong maging DJ. Naniniwala kasi ako na may potensiyal ako at ako lang ang nakakalam nu'n.

16. One of my favorite songs is 'Love Isn't' by Same-same. I fell in love with the song when I was 12 but I was already 16 when I came to know about the title.

17. Gusto kong sumunod sa yapak nina Sofia at Sonia Francesca kaya ako nagsusumikap sa pagsusulat.

18. Obsessed ako sa Samsung Galaxy Ace ko.

19. Gusto kong nagkakape kapag depressed ako o 'di naman kaya ay stressed.

20. Mas gusto ko pang magsulat kaysa makinig sa klase.

21. Ayoko sa Algebra, Trigo, Physics at Calculus kahit mataas naman ang grades ko.

22. Ako si LittleRedYasha sa Wattpad.

23. I am hoping to have an approved manuscript finally.

24. Pangarap kong ma-publish ang His Pastime Girl at ang My Kuya's Assistant.

25. Mahilig akong makinig ng music.

26. I love Albus Percival Wulfric Brian Dumbledore.

27. I love Jessica Clare's Billionaire Boys Club series...

28. Mahilig akong kumain ng mga isinasawsaw sa toyo at suka, basta may suka! Atsara, singkamas, mangga, bayabas.

29. Favorite kong ipalaman ang chocolate sundae sa hamburger.

30. Hindi ako kakain ng labong kung hindi rin lang adobo. Ginutom tuloy ako.


Posted via Blogaway

Martes, Enero 21, 2014

My Novels: Swept Away By Love 2

Swept Away By Love is posted in Wattpad already. Last week ipinasa ko siya for evaluation pero nang hindi ako makatanggap ng confirmation ay ipinasa ko uli. Two days after which is kanina, nagreply na rin ang editorial staff. After three weeks daw pero duda akong three weeks nga. I understand naman, eh. Marami rin ang nagpapasa ng manusctipts sa kanila kaya hintay-hintay din pag may time. Sana naman after two rejections makakuha na 'ko ng approved this time. Sana lang talaga.


Posted via Blogaway

Trying the Luck with: My Kuya's Assistant

Noong hindi pa kami magkakilala ni  Watty , nagsusulat na ako ng mga stories pero sa notebook nga lang. 'Yong mga readers ko pa nu'n mga kaibigan ko at mga kaklase nila. O 'di ba hindi biased? Hihi. Gaya ng mga typical na tagalog novels, nagsusulat ako in Third Person's POV kasi 'yon din naman ang nakasanayan ko, eh.

It was already in 2012 nang marinig ko ang tungkol sa story sharing site na Wattpad. At 'yong pinakaunang nabasa ko pa through softcopy ay ang Diary Ng Panget ni Denny. Sobra talaga akong na-hook ng kwentong 'yon kaya naman nagbasa pa 'ko ng mga gawa niya.

It was already in 2013 nga lang nang maisipan kong gumawa ng Wattpad account at kailangan kong baguhin ang writing style ko. I mean from Third Person naging First Person ang POV na ginamit ko kasi mukhang iyon ang patok sa wattpad obviously.

Hindi naman ako nahirapan. It actually went natural although hindi nga lang tayo kagalingang magsulat katulad ng mga writers na matagal na at may napatunayan. Pero ang importante naman do'n may nakaka-appreciate sa effort mo na mag-update sa mga kwentong sinusulat mo, 'di ba?

So ayon nga, ang pinakaunang kwento na isinulat ko doon ay ang His Pastime Girl. Habang isinusulat ko 'yon hindi ko inakala na magkakaroon ng kwento ang dalawang side characters na si Jennica na kapatid ni Jeric at ng assistant slash lawyer na si Thomas. And so My Kuya's Assistant was born!

Paulit-ulit ko na yatang sinasabi na wala naman talaga sa plano ko ang story ng dalawang 'to pero ngayong completed na rin siya, feeling ko mas mahal pa ng mga readers ang tambalang ThomJen kumpara sa SanRic. Hehehe.

And then I heard about Starmometer na publisher ng ilang mga best-selling na libro. Nagkaroon ako ng pag-asa dahil tumatanggap sila ng manuscripts para dumaan sa review at kung maaprubahan ay may posibilidad na mai-publish sa future. Alam niyo na ang ibig kong sabihin. Ipinasa ko sa kanila ang My Kuya's Assistant last December 27, 2013.

Wala pa akong natatanggap na confirmation letter mula sa kanila dahil na rin siguro sa dami rin ng mga nagpasa ng manuscripts sa kanila but I am hoping and patiently waiting. Sana approved, 'no? Walang masamang umasa, as in hope. Mahirap naman kasi ang mag-expect, eh.

Kaya kung fan kayo ng ThomJen, magdasal tayo na mapansin ang potensiyal ng kwento nila...TARA! Bwahaha.

Love,

Red


Posted via Blogaway

Manuscripts...where art thou?

December 2 pa nang magsubmit ako ng manuscript ko entitled 'Someday We'll Know' at December 5 ako nakatanggap ng confirmation na matatanggap ko daw ang feedback three weeks after my submission.

Ano'ng taon na, o. January 2014 na, ilang araw na lang February na pero wala pa rin akong natatanggap na feedback. Anyare ba kasi? Tsk. Tsk. Tsk.


Posted via Blogaway

No Shortcuts to Success...

Dear Red,

Huwag kang magmadaling umani ng palay na kasing ganda ng sa kanila ngayon mismo. Nauna silang magtanim sa 'yo, tandaan mo.

Love,

Sarili mo XD


Posted via Blogaway

Lunes, Enero 20, 2014

My Novels: Swept Away By Love

Description:

When Lyra got her heart broken, Julian was the first one to console her. Kapatid ito ng bestfriend niya. Gwapo ito pero certified womanizer din. Naging instant hero na niya ito at parang nakababatang kapatid na nga ang turing nito sa kanya. That's what she thought until he kissed her on the night of her graduation.

After five years, nagkita sila ulit. Pareho nang malaki ang pagbabago sa kanila at pareho rin silang single. Then Julian asked her kung pwede siya nitong ligawan. Yes, she's 'still attracted' to him pero sapat na ba iyon para bigyan niya ito ng chance?

Red: I am proud to say na halos lahat ng mga isinusulat ko ay clichés. Tama. Hindi bale nang cliché basta hindi plagiarized. Para sa akin magkaiba kasi 'yon. Hindi ko nga lang alam kung paano siya ipapaliwanag pero basta magkaiba pa rin 'yon. At least ito kahit cliché, pinaghirapan ko. Mahirap nang makulong. Isang hamak na dukha pa naman ako. Wahihi. Kung gusto niyo siyang basahin pwede niyo siyang tingnan sa  WATTPAD .

Posted via Blogaway


Posted via Blogaway

Linggo, Enero 19, 2014

Midterm Exams

Ayaw kong magkaroon ng bagsak sa exams pero wala naman akong ginagawa para tumaas ang grades ko kasi tinatamad akong magreview dahil sumasakit ang ulo ko.

Unang araw ng exam at ang subject ko ay isa lang. Kaloka.

Wish me luck!

posted from Bloggeroid

Martes, Enero 14, 2014

Welcome To My Blog



Ang totoo matagal ko nang gustong magkaroon ng blog kaya lang ewan ko ba at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon. 

Bueno, you can call me Sha-sha para kunwari close tayo. Naks. Haha. I'm an aspiring writer hoping to have a published book someday kahit na ang kurso ko ay Bachelor of Science in Computer Science.Hindi rin masyadong malayo ang kurso sa pangarap, ano? I am a writer at Wattpad.com at ang user name ko doon ay LittleRedYasha. Kung may account ka naman at for sure eh meron nga, try mong dumaan sa profile ko at basahin ang mga kwento na naisulat ko doon. Hehe.

Umpisa pa lang ito. I am hoping na marami akong maisulat dito simula ngayon. Arigatou Gozaimasu!