Linggo, Enero 26, 2014

Dear Diary: January 24, 2014

Kanina, pagkatapos ng klase namin nagpasama ako kay Bubbles na ihatid ang mga requirememts ng Papa ko sa placement centre. (Yong school ko ay katapat lang ng RNG station ng ABS-CBN). Nilakad lang namin ang papuntang building tutal malapit lang naman at sa katapat nu'n eh Robinson's Mall na. Napakaganda talaga ng location ng school namin. Wahihi. Sarcastic ako do'n.

Since maaga talaga ang dismissal namin every MWF ay tinamad si Bubbles na umuwi agad kaya naman naisipan naming dumaan ng Mall at tumambay. Bumili kami ng mga chichirya sa department store at umakyat sa second floor tapos naupo kami sa bench na nasa labas ng Booksale.

Habang kumakain kami parang may sinabi sa 'kin si Bubbles na: "Tiis na muna tayo sa ganito kasi wala pa tayong pera."

Sabi ko naman: "Kapag yumaman na 'ko, kakainan ko lahat ng fastfood dito."

Tapos naintriga ako sa sunod niyang sinabi: "Sapat kaya ang kinikita nila (ng Booksale at ng mga katabing store) sa bawat araw? Kasi tingnan mo, ha, magbabayad sila sa pwesto, sa mga tao, sa kuryente. Hindi ba sila nalulugi?"

Sabi ko naman: "Alam mo naisip ko na rin 'yan! Pero tingin ko passion ang dahilan kung bakit nami-maintain nila ang mga 'yan."

Sumang-ayon na lang siya sa 'kin. XD

Pinapanood ko 'yong mga tao sa Booksale na dumadampot lang ng mga librong gusto nilang bilhin at agad na nagbabayad sa counter. Naiinggit ako. Ibig sabihin marami silang extra na pera samantalang ako, kailangan kong bantayan ang paggastos ko kasi mabawasan lang ako ng kaunting barya eh baka hindi na 'ko makauwi sa amin.

Nang maubos na namin 'yong mga kinain namin niyaya ko si Bubbles na pumasok ng Booksale. Tumingin siya sa mga manga habang ako naman eh lumapit sa mga pocketbooks. Kumuha ako at nang-scan. Napabuntong-hininga ako sa loob ko.

Kailan ko kaya makikita ang pangalan ko, kung hindi man pen name, sa mga librong nandito?

Well, sabihin na nating medyo desperado rin akong magkaroon ng kahit approved manuscript pa lang? Tutal naman matagal talaga ang release ng mga libro kaya sana may i-look forward man lang ako bago ako tumuntong ng twenty. Malapit na nga pala akong magtwenty. Nakakaloka. Goodbye, teenage life na talaga 'to. Aaminin ko naiinggit talaga ako sa mga writers na marami nang nai-publish na libro na mga kaedad ko lang at mas bata pa sa 'kin. Hay. Iyang inggit na 'yan talaga, o. Tsk. Okay lang, at least namu-motivate ako, 'di ba? In a positive way dapat!

Dreaming,
Red


Red Weasley

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento