Linggo, Pebrero 9, 2014

His Pastime Girl on Booklat

Nabanggit ko na sa isa kong post na pangarap kong ma-publish ang His Pastime Girl at My Kuya's Assistant. Nabanggit ko rin na ang MKA ay ipinasa ko sa Starmometer. Itong His Pastime Girl naman ay naka-post sa Booklat for two months na yata.

Ang Booklat ay isang website na pagmamay-ari ng Life Is Beautiful na sister company ng Precious Hearts Romances. Pwede kang magsubmit ng manuscript mo at kapag maraming nagkagusto ay may possibility na ma-publish iyon.

Oo. Ipinasa ko nga ang His Pastime Girl kasi tumatanggap naman sila ng first person POV. Madalas ko siyang tingnan at marami na rin naman ang reads at magaganda ang mga comments. May mga nagsasabi na sana ma-publish siya kaya naman natuwa ako.

Kaya lang hindi naman sikat sa Wattpad ang His Pastime Girl hindi katulad ng iba na milyon-milyon na ang reads since bago lang nga 'tong kwento na 'to.

Pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa, eh. Kung mabilis-bilis lang sana ang update niya baka tapos na rin siya. I have faith in Jeric and Sandy kaya sana naman magbunga ang pag-aasam ko. Naks naman. Kaya nga todo ang pangangampanya ko, eh. Hehe. Readers,  makisama naman kayo. Tulungan niyo po ako. Hehehe.


Red Weasley

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento