Linggo, Pebrero 9, 2014

That Feeling...

Ang sarap pala ng feeling bilang aspiring writer na may mga readers na hindi mo naman personal na kilala pero nag-i-effort magmessage sa iyo para sabihing avid fan mo sila, isa ka na sa mga favorite writers nila, nag-i-enjoy silang basahin ang mga kwento mo tapos magbabasa pa sila ng mga kwento mo. Yong iba sinasabi pang genius writer ka na masyadong mabigat na yatang title para sa isang writer na wala pang napa-publish na anumang libro, na ilang beses nang nakakatanggap ng rejections. Alam niyo 'yon?

Sobra palang nakakataba ng puso to the point na paulit-ulit ko siyang binabasa tapos hindi ko mapigilan ang mapangiti. Hindi ko alam kung ano ang meron sa mga isinusulat ko pero natutuwa talaga ako kapag naa-appreciate 'yon ng mga readers ko. Nagpapasalamat pa 'yong iba dahil sa pagshare ko raw ng talent ko eh ang dapat nga ako ang magpasalamat kasi sila ang nagbigay ng pansin sa mga gawa ko.

Kung alam lang nila na sila ang dahilan kung bakit pinipiga ko ang utak ko para lang mabigyan sila ng magandang update kahit hindi ko maisingit sa schedule ko minsan. Kasi naman. Kung ako lang talaga ang mabibigyan ng pagkakataon, magsusulat na lang ako buong araw. Kaso marami pa akong priorities, eh. Nandiyan pa pag-aaral ko. Sayang naman ang sakripisyo ng Mama ko kung hindi ako makakapagtapos.

Ang hiling ko lang sana matupad man lang ang pangarap ko na ma-publish ang mga kwento ko. At sana hindi ako iwan ng mga readers ko. Sana dumami pa sila. Sana hindi sila magsawa sa pagbibigay ng suporta. Inspirasyon ko talaga ang mga readers ko, eh. Naging importante na rin sila kahit sa ikli pa lang ng pagsusulat ko.

Nagmamahal,
Red


Red Weasley

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento