Martes, Enero 21, 2014

Trying the Luck with: My Kuya's Assistant

Noong hindi pa kami magkakilala ni  Watty , nagsusulat na ako ng mga stories pero sa notebook nga lang. 'Yong mga readers ko pa nu'n mga kaibigan ko at mga kaklase nila. O 'di ba hindi biased? Hihi. Gaya ng mga typical na tagalog novels, nagsusulat ako in Third Person's POV kasi 'yon din naman ang nakasanayan ko, eh.

It was already in 2012 nang marinig ko ang tungkol sa story sharing site na Wattpad. At 'yong pinakaunang nabasa ko pa through softcopy ay ang Diary Ng Panget ni Denny. Sobra talaga akong na-hook ng kwentong 'yon kaya naman nagbasa pa 'ko ng mga gawa niya.

It was already in 2013 nga lang nang maisipan kong gumawa ng Wattpad account at kailangan kong baguhin ang writing style ko. I mean from Third Person naging First Person ang POV na ginamit ko kasi mukhang iyon ang patok sa wattpad obviously.

Hindi naman ako nahirapan. It actually went natural although hindi nga lang tayo kagalingang magsulat katulad ng mga writers na matagal na at may napatunayan. Pero ang importante naman do'n may nakaka-appreciate sa effort mo na mag-update sa mga kwentong sinusulat mo, 'di ba?

So ayon nga, ang pinakaunang kwento na isinulat ko doon ay ang His Pastime Girl. Habang isinusulat ko 'yon hindi ko inakala na magkakaroon ng kwento ang dalawang side characters na si Jennica na kapatid ni Jeric at ng assistant slash lawyer na si Thomas. And so My Kuya's Assistant was born!

Paulit-ulit ko na yatang sinasabi na wala naman talaga sa plano ko ang story ng dalawang 'to pero ngayong completed na rin siya, feeling ko mas mahal pa ng mga readers ang tambalang ThomJen kumpara sa SanRic. Hehehe.

And then I heard about Starmometer na publisher ng ilang mga best-selling na libro. Nagkaroon ako ng pag-asa dahil tumatanggap sila ng manuscripts para dumaan sa review at kung maaprubahan ay may posibilidad na mai-publish sa future. Alam niyo na ang ibig kong sabihin. Ipinasa ko sa kanila ang My Kuya's Assistant last December 27, 2013.

Wala pa akong natatanggap na confirmation letter mula sa kanila dahil na rin siguro sa dami rin ng mga nagpasa ng manuscripts sa kanila but I am hoping and patiently waiting. Sana approved, 'no? Walang masamang umasa, as in hope. Mahirap naman kasi ang mag-expect, eh.

Kaya kung fan kayo ng ThomJen, magdasal tayo na mapansin ang potensiyal ng kwento nila...TARA! Bwahaha.

Love,

Red


Posted via Blogaway

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento