Huwebes, Pebrero 20, 2014

Of Story Ideas and Working Them Out

Nakaka-frustrate pala 'yong feeling na sa sobrang dami ng idea na pumapasok sa isip mo eh hindi mo naman alam kung paano sila ilalapat.

Hay....

Dati naman hindi ako ganito ka frustrated, ah? Noong hindi ko pa kilala si Wattpad at hindi ko pa nakikilala ang bestfriend kong si Galaxy Ace, kontento na 'ko sa pagsusulat sa notebook ko at walang pressure kapag nagsusulat ako. Wala naman kasing demanding na readers, reader lang. Hehehe.

Feeling ko rin nakikipag-compete ako that makes it even harder for me. Bakit naman ba kasi? Kanino ba 'ko nakikipag-compete eh dapat sa sarili ko lang naman?

So, contemplate muna ako.

Para ba ako kanino nagsusulat? Hindi ba una sa lahat eh para sa sarili ko? Next ang mga readers? Ano ba dapat ang isulat ko? Hindi ba 'yong nilalaman ng puso ko at hindi ng gusto lang ng mga readers ko? Kung mamadiliin ko ba ang mga bagay na hindi naman dapat, may mapapala ba 'ko?

Maiintindihan naman siguro ako ng mga readers ko. Kung totoo ngang loyal sila sa'yo, matatanggap nila kahit pa mga shortcomings mo. Hmm. May point ba 'ko d'on?

So, contemplate again.

Ang isang magaling na writer hindi minamadali ang kanyang libro. Nagsusulat siya dahil 'yon ang nakakapagpasaya sa kanya at sa mga readers niya. Hindi siya iyong tipong nagmamadali para lang masabing may natapos siya dahil aanhin naman niya iyon kung hindi magustuhan ng mga readers at maging siya sa ginawa niya?

So, pressuring myself doesn't make any sense dahil hindi naman iyon makakapagpabuti sa isinusulat at isusulat ko pang mga kwento. Hindi naman iyon sa dami ng mga naisulat ko ng kwento kundi sa quality nito at ang impact nito sa mga readers ko. Doon ka kasi nagiging remarkable, eh. ^_^v

So, contemplate again.

Love,

Red


Red Weasley

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento