Lunes, Pebrero 10, 2014

Another Novel Plan

Brothers-in- Success 1: TJ Aguirre --> Na-inspire ako sa Billionaire Boys Club ni Jessica Clare kaya naisipan kong gumawa ng sarili kong secret society ng wealthy young men. I hope hindi sila maging very similar dahil maakusahan pa 'kong nangopya mahirap na.

TJ is Thomas and Jen's first born son. Ang original title talaga nito ay 'Sherin's Own Fairytale' dahil kay Heroine. Natapos ko na ang first ten chapters nito at hindi ko na alam kung paano siya tatapusin. XD

Pinag-iisipan ko pa kung ipapasa ko siya sa PHR for evaluation or sa Booklat na lang. Siguro aayusin ko muna siya and then ipapasa ko na lang sa Booklat tutal naman tumatanggap sila ng on-going. Mas gusto ko yatang readers ko na lang ang humusga sa kwento para mas malaki ang pag-asa. XD

Ipagdasal niyo naman ako para rito.

When Jessie Meets Andre -->
This is a Teen Fiction category. Para maiba naman. Puro na lang Non-Teen ang mga isinusulat ko. Plano ko sana siyang gawing trilogy. Magsisimula sina Jessie at Andre bilang magkaaway hanggang sa maging friends at magkadevelop-an tapos papasok ang conflict. Cliché lang ang peg. Wahihi.

Echoing Love series...
--> This series would be about the members of the band named 'Echoing'. They are a five-man team. Four guys and one girl. Kung bakit 'Echoing' ang pangalan...saka ko na lang sasabihin. XD

Isla Mariana series...
--> Na-inspired ako noon sa Stallion Riding Club kaya gusto kong gumawa ng sarili kong paradise kung saan mai-in love sina Hero at Heroine. Minus stallions nga lang para magkaiba talaga sila. XD

Gumawa pa nga ako ng parang mapa. At ako lang ang nakakaintindi nu'n dahil ako naman ang responsable doon. Sana ma-push!

Actually, nasimulan ko na ang magiging first book ng series.

Untitled--> May isang plot na naglalaro sa isip ko kaya lang medyo malabo pa siya kaya naman...ewan. Hindi ko pa makuhang simulan. XD

Red


Red Weasley

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento