Linggo, Pebrero 16, 2014

Wala Lang Kasi Akong Ibang Masabi...

Hanggang ngayon wala pang feedback ang manuscripts ko na 'Someday We'll Know' at 'Swept Away By Love' mula sa PHR. And I'm sure kung naghihintay man ako ay upang malaman na returned lang ang mga 'yon.

Kahit marami ang reads at magaganda ang feedback ng His Pastime Girl sa Booklat, nakakaramdam pa rin ako ng pagdududa na mapapansin ang kwento nina Jeric at Sandy at magkaroon ng pagkakataon na ma-publish. Ewan ko ba, inatake na naman ako ng pagiging insecure at kawalan ng tiwala.

Marami naman kasi ang magagaling. Kasi naman. I have found out na may mga writers sa Wattpad na nakapirma na ng contract sa LIB para maging exclusive writers. Naiinggit ako. Hanggang pangarap na lang yata ako na makakapag-sign ako ng mga published books ko someday. Ang inggitera ko nga. Bigti na kaya ako? Wahihi.

Whew! Ano, sasabihin ko ba sa sarili kong tiwala lang? Pero ang abnormal ko. Minsan, nakakaramdam ako ng urge na magsulat. Minsan naman, nawawalan ako ng gana talaga. Ano bang problema ko? Ang gusto ko lang naman madagdagan ang mga natapos ko nang kwento na maipu-post sa Booklat.

Ah, right. Kulang ako sa patience. Wala akong tiyaga. Gusto kong minamadali ang lahat. Kahit alam kong imposible naman ang gusto kong mangyari. Hay. Patience, sa'n ka ba kasi pwedeng bilhin? Pwede ka bang utangin o kahit hulugan man lang?

Kung hindi ko lang kailangan ng pera hindi naman ako magkakaganito, eh. Psh. Yeah. It's all about the money.


Red Weasley

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento