Linggo, Marso 9, 2014

Finally!

When it rains, it pours.

Last month nag-post ako na hinihintay ko ang feedback ng MS ko na Someday We'll Know. Ang akala ko nakalimutan na ang MS kong 'yon, ang akala ko baka ma-return lang 'yon.

Pero March 7, 2014, isang tahimik na umaga, habang nasa loob ako ng classroom namin at hinihintay dumating ang mga kaklase ko, nakita kong may email ako galing sa PHR.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Tapos napapikit ako. Sabi ko, naku may feedback na ang isa sa mga MS ko. Tiyak return na naman 'to.

Ang hindi ko lang inakala, iba ang format ng feedback nila. Ang sabi approved na raw ang MS ko na 'Someday We'll Know'.

Ano daw? Tapos sa ilalim nakalagay ang iba ko pang dapat i-comply. Panghuli, thank you so much and congratulations. Hindi ako makapaniwala. Yes ako nang yes at wala akong pakialam sa isang estudyanteng hindi ko naman kilala. Hahaha. Kasi naman. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Tapos dumating na rin sa wakas si Bubbles at sinabi ko sa kanya ang isang magandang balita. He hugged me and congratulated me! Tapos bumaba ako at nagpa-load at nag-group message! Ang unang bagay kasing pumasok sa isip ko ay kailangang malaman ni Macmac, 'to.

Kinwento ko rin sa mga kaklase ko at masaya naman sila para sa akin. Humirit pa nga silang manlibre daw ako. Haha. Nakakaloka talaga. Na-inspired lalo tuloy ako.

And this won't be possible if not because of You, Papa God. Ilang beses ko nang napatunayang hindi Mo ako pinapabayaan. Ako lang talaga 'tong nagbubulag-bulagan. Sana magtuloy-tuloy 'to, 'no? Hehe.

I'm so excited. Nainspire tuloy akong magsulat pa nang marami.

Red

Red Weasley


Red Weasley

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento