Lunes, Enero 18, 2016

Milestone

Hindi ko talaga mapanindigan itong pagba-blog ko. Haha. 2 years na pala since ginawa ko itong blog na `to. Kumusta naman `yon?

Habang binabasa ko `yong previous posts ko, napapangiti na lang ako. Iyon `yong mga time na nangangarap pa lang akong maging published writer. Sa loob ng dalawang taon, hindi naman ako nabigo.

Natupad ang pangarap kong ma-publish ang My Kuya's Assistant at His Pastime Girl tapos `yong The Perfect Subject, to-be-published pa. Meron na rin akong published book under PHR at may mga to-be-published din akong books sa kanila.

Kahit paunti-unti ay natutupad na rin ang pangarap ko na makapangolekta ng mga paborito kong libro. Dumami ang mga kaibigan ko online na mahilig ding magbasa. In more than 2 years lang, mahigit 9K na ang followers ko sa Wattpad. Thankful talaga ako dahil hindi biro ang dami nila. But let's see kung umabot ako ng 100K followers. Haha. Ambisyosa lang, e.

Mahirap ang pagsusulat pero hindi ako nagsisisi na hindi ko `yon sinukuan. Maraming salamat kay God sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na isakatuparan ang pangarap kong `yon. Gusto kong humirit pa sana sa Kanya kung okay lang. Gusto kong makagawa ng isang book shelf na lahat mga gawa ko. Haha. Sana marami pa akong maisulat. Sana proud si God sa akin. I love you, Papa God. Thank you so much!

Yasha/Sharmaine/Red

Martes, Disyembre 30, 2014

http://www.starmometer.com/2014/10/16/my-kuyas-assistant-a-wattpad-hit-now-available-in-book-form/
http://www.starmometer.com/2014/10/16/my-kuyas-assistant-a-wattpad-hit-now-available-in-book-form/


TRIVIA about My Kuya's Assistant:
1. Ang story nina Thomas at Jennica ay spinoff lang ng His Pastime Girl.
2. Ang inspirasyon ko sa character ni Thomas ay si Jason Taylor (from FSOG). Hindi nga lang halata. Ang inspirasyon ko naman sa character ni Jennica ay si Mia Grey. Again, hindi na naman halata.
3. Wala talaga sa plano ko ang story nilang dalawa. Ewan ko kung anong nangyari sa akin. Haha!
4. Ang pangalan ni Thomas ay kinuha ko sa pangalan ng assistant ni Edward ng "The Bucket List." One of my favorite movies of all time.
5. Ang pangalan ni Jennica ay... wala lang. Inisip ko lang kung malapit ba sa Jeric.
6. Ako talaga ang may paborito sa Shamrock at sa "Beautiful in My Eyes."
7. Magdadagdag ako kapag nasa mood na ako.

Linggo, Marso 9, 2014

Finally!

When it rains, it pours.

Last month nag-post ako na hinihintay ko ang feedback ng MS ko na Someday We'll Know. Ang akala ko nakalimutan na ang MS kong 'yon, ang akala ko baka ma-return lang 'yon.

Pero March 7, 2014, isang tahimik na umaga, habang nasa loob ako ng classroom namin at hinihintay dumating ang mga kaklase ko, nakita kong may email ako galing sa PHR.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Tapos napapikit ako. Sabi ko, naku may feedback na ang isa sa mga MS ko. Tiyak return na naman 'to.

Ang hindi ko lang inakala, iba ang format ng feedback nila. Ang sabi approved na raw ang MS ko na 'Someday We'll Know'.

Ano daw? Tapos sa ilalim nakalagay ang iba ko pang dapat i-comply. Panghuli, thank you so much and congratulations. Hindi ako makapaniwala. Yes ako nang yes at wala akong pakialam sa isang estudyanteng hindi ko naman kilala. Hahaha. Kasi naman. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Tapos dumating na rin sa wakas si Bubbles at sinabi ko sa kanya ang isang magandang balita. He hugged me and congratulated me! Tapos bumaba ako at nagpa-load at nag-group message! Ang unang bagay kasing pumasok sa isip ko ay kailangang malaman ni Macmac, 'to.

Kinwento ko rin sa mga kaklase ko at masaya naman sila para sa akin. Humirit pa nga silang manlibre daw ako. Haha. Nakakaloka talaga. Na-inspired lalo tuloy ako.

And this won't be possible if not because of You, Papa God. Ilang beses ko nang napatunayang hindi Mo ako pinapabayaan. Ako lang talaga 'tong nagbubulag-bulagan. Sana magtuloy-tuloy 'to, 'no? Hehe.

I'm so excited. Nainspire tuloy akong magsulat pa nang marami.

Red

Red Weasley


Red Weasley

Lunes, Marso 3, 2014

My Kuya's Assistant: #ThomJen

December 27, 2013--> Ipinasa ko ang My Kuya's Assistant sa Starmometer para mag-undergo ng evaluation. Wala lang. Trip-trip lang. Nagbabakasakali. Alam na. Haha.

March 4, 2013--> Nakatanggap ako ng email galing kay Sir Edsel Roy; nagpu-propose ng terms para sa My Kuya's Assistant.

Nagkataon nakahiga pa ako sa higaan at may alas sais pa lang ng umaga. Bigla ba naman akong napabangon at tumili! Hahaha. Akala ng mga kapatid ko kung ano na ang nangyari sa akin. Tapos ipinakita ko sa kanila 'yong email sa phone ko. Maging sila naloka. Hahaha.

Ang saya -saya ko talaga. Ang gandang pansalubong sa umaga. Ang bait-bait ni God. Hindi ko alam kung bakit ibinigay Niya sa akin 'to, ano bang ginawa ko? Pakiramdam ko parang binibiro lang ako. Kulang na lang atakehin ako sa puso grabe. Nakakaloka. I can't wait to tell my Mama and my friends about it!

Thank you, Papa God! You are the best father in the whole wide universe!


Red Weasley

Plan Failed

I failed to keep my plan about my stories!

Hanggang ngayon hindi ko pa natatapos ang The Perfect Subject kahit March na. Kasi naman. 'Yong The Replacement Fiancée naman hindi ko pa naa-update pati na rin ang Her Boy Grasa, His Girl Sosyalera.

Ang dami ko kasing tinapos nitong huling buwan, eh. Research paper para sa Filipino, Thesis Proposal, Book Review sa Philman, quiz, assignment, exams, natambakan na 'ko, lunod na lunod na 'ko kaya parang gusto ko na minsan tumigil sa pagsusulat!

Hay!


Red Weasley

Miyerkules, Pebrero 26, 2014

A Heart Break, It Is

February 27, 2014 ko lang nalaman. Kung hindi pa 'ko t-in-ext ng bestfriend/ coffee buddy ko.

Nagpakasal na rin pala si Kirk Long! Uwaa! Antakit-takit. Antakit-takit. Katulad din siya ni Chris. Dinurog lang nila ang puso ko. Huhu.

Paano na naman ako magmu-move on nito? Ang kaso lang, may karamay na 'ko. Dalawa na kami ni Mary Cris ang magluluksa sa namatay naming puso. Hay...

Ang hirap magmahal ng basketball player.

Hurting,

Red


Red Weasley